Pinayuhan ni Mayor Mel Aguilar ang mga bagong kasal na ang pag-aasawa ay pagtanggap na may “Forever.” Nangyari ang kasalan noong nakaraang Martes. Regular na may nagaganap na kasalang bayan sa Las Piñas City Hall bilang public service sa mga nais magpakasal na walang iisiping gagastusin. Dito ay libre ang mga singsing at aras ng mga ikakasal at may kasama pang merienda.
Sa mga nagbabalak lumahok sa kasalang bayan makipagugnayan sa Mayor’s Office o maari kayong tumawag sa 873-3052 para sa mga requirements at schedule.
Mga Dapat Gawin ng mga Gustong Lumahok sa Kasalang Bayan sa City Hall ng Las Piñas
1. Bumisita sa Office of the Civil Registry na matatagpuan sa Las Piñas City Hall Compound Alabang Zapote Road, Pamplona 3 para mag-apply ng Marriage License. I-submit ang mga sumusunod:
• Birth Certificate
• Certificate of No Marriage Record (CENOMAR)
• Certificate of Legal Capacity to Contract Marriage (kung ang mapapangasawa ay isang foreigner)
2. Dumalo sa family planning seminar na isinasagawa ng City Social Work and Development Office at ng City Health Office. Ito ay requirement para mabigyan ng marriage license.
3. I-submit ang marriage license sa Mayor’s Office. Pagkatapos nito ang magpa-schedule kung anong araw ang kasal.
4. Dalawang beses sa isang buwan ang schedule ng kasal. Ito ay laging ginagawa tuwing Martes ng umaga. Sampu ang inii-schedule bawat araw na may kasalan.
5. Walang gagastusin ang mga ikakasal. Libre ang singsing, aras at merienda. Ang marriage contract ay makukuha rin pagkatapos ng kasal.